| October 22, 2008 Book Release | |
|
+17nheyaizen j_j rd_joh jaerellin Karlene Caleb winnie SRC Heiress cHeLLy trianexzenricven raveneyes ChRiStInE LoVeS YuNhO VANADIK & MC FANATIC natalia {STOIC}_@nnette®™ purplehaven_abi Jen 21 posters |
|
Author | Message |
---|
Jen Team Support
Number of posts : 695 Age : 36 Location : Quezon City Registration date : 2007-12-19
| Subject: October 22, 2008 Book Release Wed Oct 22, 2008 1:43 am | |
| 1. PHR 2922 Ang Baliw Na Pag-ibig ni Alicia by Vanessa - equivalent to 3 booksAlicia met Rodrigo when she was sixteen. Hindi niya kaliga ang lalaki. Nagtatrabaho lamang siya bilang kawaksi sa mansiyon ng mga ito habang ito ay marami nang accomplishments sa buhay nito. Kasama na roon ang bilang ng magagandang babaeng balita niyang na-involve dito. Nangangamba siya tuwing nasa mansiyon ito sapagkat hindi niya alam kung ano ang gusto nito sa kanya. Dinala siya ng kapalaran niya sa Amerika at muli silang nagkita. Ngayon ay nagtatrabaho na siya sa isang malaking kompanya. Rodrigo was more dashing than before. He asked her to work for him. She took his offer. Hindi niya alam na iyon ang simula ng kabaliwang huhulma sa kapalaran nilang dalawa… 2. PHR 2923 My Infamous Runaway Girl by CamillaKailey, a diplomat, was a tease. Aminado siya roon. At biktima ang guwapong si Vann ng ugali niyang iyon. One weekend in Palawa, she tied his hands on the bedpost at iniwan ito, tangay ang T-shirt at shorts nito. She never expected they would ever meet again, but they did. Nang iharap sa embassy na pinaglilingkuran niya ang bago nilang abogadong si Elroy Forgeit, literal na nahulog siya sa kanyang kinauupuan! Si Vann… 3. PHR 2924 When Mr. Right Is Mr. Wrong by Kayla CalienteKlarung-klaro sa isip ni Amber kung anong klase ng lalaki ang gusto niyang makatuwang sa buhay hanggang sa mag-ulyanin siya at mangailangan ng pustiso. Dapat ay iyong kagaya rin niya--driven, ambitious, mataas ang pangarap. At sa palagay niya ay napakalayo ni Tivs sa pagiging ganoon. Pero dahil sa kanyang pinsang reyna ng mga lukaret, napilitan siyang hingin ang tulong nito. At naging daan iyon para mas makilala niya ito. He seemed like a fascinating guy. Pero hindi sapat iyon para isali niya ang pangalan nito sa listahan niya ng mga lalaking pagpipilian niya para kalakdkarin papunta sa dambana. Hanggang sa dumating ang punto na matuklasan niyang mahal na niya ito. Pero iyon din naman ang punto na nagpasya itong aalis na ito sa buhay niya. Ang laki ng problema niya... 4. PHR 2925 Love Is The Reason by Noelle ArroyoKailangang pakasalan ni Bettina si Bastian upang hindi mawala sa kanyang ama ang chairmanship ng korporasyon. And she did—only after a moment’s hesitation. Pero may malaking pinoproblema si Bettina—she and Bastian had to sleep in the same room. Paano pa niya magagawang itagong hindi siya nakawala sa teenage infatuation niya rito noon at nag-develop na iyon into something totally grown-up kung palagi na niyang makikita ito? Makakasama pa niya ito sa loob ng isang kuwarto at iisang kama. Maloloka talaga siya! 5. PHR 2926 Wo Ai Ni, Ti Amo, I Love You by Cora ClementeNakatakda nang ikasal si Sydney sa nobyo niyang si Joaqui nang magkaroon sila ng di-pagkakaunawaan na humantong sa pagkakaaksidente niya. Habang tila nag-aagaw-buhay siya ay isang tinig ng lalaking mukhang siyang nagligtas sa kanya ang pinanghawakan niya. Nang muli siyang magising mula sa tatlong buwang pagkaka-coma, ang tinig din ng lalaking iyon ang narinig niya. Pamilyar sa kanya ang mga pagbati nito. Parang narinig na niya kahit sa mahaba at mahimbing niyang pagtulog. Ang nagmamay-ari ng tinig na iyon ay si Dr. Jansen Munoz, ang guwapong doktor na nagligtas sa kanya at nangalaga sa kanya sa panahong comatose siya. Ito rin ang nagbigay ng inspirasyon sa kanya na maging matatag upang ipagpatuloy ang buhay niya na tila gumuho pagkatapos niyang mabatid na nagpakasal si Joaqui sa ibang babae. Isa na lang ang kulang at inaasam-asam niya ang pagsambit nito ng pagpapahayag nito ng pag-ibig. 6. The Day After Forever Series 8: Walang Iwanan... Pangako `Yan 1 by Elizabeth McBrideSa kabila ng pagbabawal kina Monica at Jerome ng mga taong nakapaligid sa kanila ay sinikap nilang itaguyod ang kanilang pagmamahalan. Nanindigan sila na sa kabila ng batang edad ay kaya nilang patunayan sa buong mundo na hanggang wakas ang pag-iibigan nila. Hanggang isang gabi ay inatake sa puso si Jerome sa harap ni Monica at nalagay sa alanganin ang bunga ng kanilang pagmamahalan. Sino ang pipiliin niyang iligtas? Ang anak niya o si Jerome, ang tanging lalaking iniibig niya pero pilit na binabawi sa kanya ng mayamang ama nito? 7. The Day After Forever Series 9: Walang Iwanan... Pangako `Yan 2 by Elizabeth McBrideMasakit man ay mas pinili ni Monica na isuko si Jerome sa papa nito alang-alang sa kaligtasan nito. Simula noon ay nabuhay siya sa lungkot. Wala siyang ibang kinakapitan at pinaghuhugutan ng lakas at saya kundi ang batang naging alaala nito sa kanya. Hindi na siya umaasang makikita pa uli si Jerome kaya laking tuwa niya nang ibalik ito ng tadhana sa kanya. Ngunit napalitan ng ibayong sakit at panlulumo ang tuwang iyon nang malaman niyang ikakasal na ito kay Lou, isa sa mga bisitang naging malapit sa kanya sa resort na pinagtatrabahuhan niya. 8. Calle Pogi Series 9: Drei by Keene AlicanteNaglayas si Amaya sa bahay nila upang patunayan sa kanyang mga magulang na kaya niyang tumayo sa kanyang mga sariling paa. Napadpad siya sa Calle Pogi. Doon ay nahasa niya ang pagiging children’s book illustrator. Pero sa malas ay sinundan siya roon ng taong nagsabi sa kanya na walang direksiyon ang buhay niya--si Drei. Bakit naroroon ito? Isang araw na hindi na siya makatiis ay tinanong na niya ito. “Ano’t bigla ka na lang sumulpot sa lugar na ito?” “I like it here. Isa pa, bagay ako rito.” “Bagay ka rito?” “Yes. Because this is Barangay Calle Pogi. And a handsome person such as myself should only belong to a place like this.” Nakakaasar mang aminin pero guwapo talaga ito. Subalit magkaganoon man, naiinis pa rin siya rito. Balak ba nitong bantayan siya para malaman kung magtatagumpay siya? Galit siya rito. Pero bakit nang magpakita ito ng kabaitan sa kanya ay parang bulang naglaho ang galit na iyon?
Last edited by Jen on Sat Oct 25, 2008 1:59 am; edited 3 times in total | |
|
| |
purplehaven_abi Newbie
Number of posts : 21 Age : 34 Registration date : 2008-10-20
| Subject: Re: October 22, 2008 Book Release Wed Oct 22, 2008 2:57 am | |
| awwww.....ala na namng stallion? di bale meron namang cp ^___^ ehe...asan na kaya si ian jack, reiven at ang kambal??????? hmmmmmmmmmm........ magpakita na kayo...ONEGAI!!!!!!!!! enyweiz...tnx ms. jen.. ^_________^ | |
|
| |
{STOIC}_@nnette®™ Junior
Number of posts : 46 Age : 41 Location : Angono, Rizal Registration date : 2008-04-17
| Subject: Re: October 22, 2008 Book Release Wed Oct 22, 2008 4:41 am | |
| Hmmm... wala na namang SRC & Les hommes... Anyways, si DREI na ng CALLE POGI!!! Sugod na ko mamya sa SM... heheheh | |
|
| |
natalia Junior
Number of posts : 128 Registration date : 2008-01-30
| Subject: Re: October 22, 2008 Book Release Wed Oct 22, 2008 7:22 am | |
| no ba ibig sabihin 3 books thick book sya??? la pa din dream team.. magkakaron pa kaya ibang labas si heart yngrid | |
|
| |
VANADIK & MC FANATIC Junior
Number of posts : 101 Location : MAKATI CITY Registration date : 2008-03-07
| Subject: Re: October 22, 2008 Book Release Wed Oct 22, 2008 7:45 am | |
| - Quote :
- PHR 2922 Ang Baliw Na Pag-ibig ni Alicia by Vanessa - equivalent to 3 books
wow makapal...sana mala ang lalaking walang pangalan at ida | |
|
| |
ChRiStInE LoVeS YuNhO Junior
Number of posts : 167 Age : 31 Location : Somewhere over Valenzuela Registration date : 2008-04-07
| Subject: Re: October 22, 2008 Book Release Wed Oct 22, 2008 8:03 am | |
| Gosh.. wala ngang stallion may calle pogi naman... waaa... grabe si bucho na lang pala.. huhuhuhu, matatapos ang mga fave series ko! | |
|
| |
raveneyes Master
Number of posts : 609 Location : Marikina Registration date : 2008-01-16
| Subject: Re: October 22, 2008 Book Release Wed Oct 22, 2008 9:15 am | |
| | |
|
| |
trianexzenricven Newbie
Number of posts : 24 Age : 33 Location : tandang sora, quezon city Registration date : 2008-09-29
| Subject: Re: October 22, 2008 Book Release Wed Oct 22, 2008 10:32 am | |
| haizt., ala n nmang stallion series.,!!! errrrr!!! haaaaay! sna nxt wik meron na...ala n ko mbasa.,bored p nman hir za haws., | |
|
| |
cHeLLy Junior
Number of posts : 84 Age : 30 Location : Quezon City Registration date : 2008-06-11
| Subject: Re: October 22, 2008 Book Release Wed Oct 22, 2008 11:42 am | |
| Lah nHa nmAn pLan6 SRC .. | |
|
| |
SRC Heiress Junior
Number of posts : 150 Age : 44 Location : SRC Registration date : 2008-06-11
| Subject: October 22, 2008 Book Release Wed Oct 22, 2008 1:47 pm | |
| Ngek, ala na namang STALLION!!! Waaaaaaaaahhhhhhhhhhh!!! | |
|
| |
winnie Newbie
Number of posts : 15 Age : 33 Location : laoag city or in quirino, luna, apayao Registration date : 2008-10-04
| Subject: Re: October 22, 2008 Book Release Wed Oct 22, 2008 5:32 pm | |
| | |
|
| |
Caleb Master
Number of posts : 857 Age : 32 Location : negros occidental Registration date : 2008-01-17
| Subject: Re: October 22, 2008 Book Release Wed Oct 22, 2008 10:35 pm | |
| | |
|
| |
Karlene Junior
Number of posts : 35 Age : 36 Location : Bataan Registration date : 2008-08-17
| |
| |
jaerellin Junior
Number of posts : 151 Age : 35 Location : Binangonan Registration date : 2008-01-28
| Subject: Re: October 22, 2008 Book Release Wed Oct 22, 2008 11:49 pm | |
| hAy nAkU WaLa nA namang stallion. miz ko na cla. buti na alng my calle pogi... wala ding lukaret. tapos na ba yun eh wala pang story yung friend ni richenda ah... san ba sya lalabas sa kapayapaan boys?? | |
|
| |
raveneyes Master
Number of posts : 609 Location : Marikina Registration date : 2008-01-16
| Subject: Re: October 22, 2008 Book Release Thu Oct 23, 2008 10:35 am | |
| | |
|
| |
rd_joh Junior
Number of posts : 57 Age : 31 Location : pAcg ciTy Registration date : 2008-07-25
| Subject: yahoo!!!!!!!!1 Thu Oct 23, 2008 1:20 pm | |
| yez!!!!!!!!!!!!!
andyan nah c papa Drei!!!!!!!
ang cute niya!!!!!!!!!
peo y ganUn wlay pa ring stallion???
hu-hu-hu!!!!!
miss na me cla,,,,,
sana next realeses andyan na clah,,,,,
haaaayy!!!!!!!!!1 | |
|
| |
j_j Junior
Number of posts : 43 Registration date : 2008-01-30
| Subject: Re: October 22, 2008 Book Release Thu Oct 23, 2008 6:49 pm | |
| waaah, ang tagal naman po ng teasers ms. jen...para pagdating ko sa PHR stores alam ko na yung bibilhin ko... | |
|
| |
nheyaizen Senior
Number of posts : 361 Age : 39 Location : davao city Registration date : 2008-09-17
| Subject: Re: October 22, 2008 Book Release Fri Oct 24, 2008 7:03 pm | |
| hay nku bat wla pa ring release ng stallion !!!!! kakainip na talaga!!!!!! | |
|
| |
Caleb Master
Number of posts : 857 Age : 32 Location : negros occidental Registration date : 2008-01-17
| Subject: Re: October 22, 2008 Book Release Fri Oct 24, 2008 11:06 pm | |
| sa wakas my teaser na si alicia...
ang ganda.... | |
|
| |
raveneyes Master
Number of posts : 609 Location : Marikina Registration date : 2008-01-16
| |
| |
Karlene Junior
Number of posts : 35 Age : 36 Location : Bataan Registration date : 2008-08-17
| Subject: Re: October 22, 2008 Book Release Sun Oct 26, 2008 8:18 pm | |
|
Last edited by Karlene on Sun Oct 26, 2008 8:25 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : mali eh) | |
|
| |
Karlene Junior
Number of posts : 35 Age : 36 Location : Bataan Registration date : 2008-08-17
| Subject: Re: October 22, 2008 Book Release Sun Oct 26, 2008 8:23 pm | |
| | |
|
| |
lawliet Junior
Number of posts : 78 Age : 36 Location : iloilo Registration date : 2008-05-09
| Subject: Re: October 22, 2008 Book Release Wed Oct 29, 2008 11:36 am | |
| waa!! anu ini??!! Labas na pla c Drei??? ey, Femz,, i leave it to you ha.. basta lista mo na lng mga utang ko sa yu jn hehehe...thanks tenks.. mwah!! | |
|
| |
liezel Master
Number of posts : 642 Location : PASAY Registration date : 2008-05-12
| Subject: Re: October 22, 2008 Book Release Wed Oct 29, 2008 8:38 pm | |
| | |
|
| |
VANADIK & MC FANATIC Junior
Number of posts : 101 Location : MAKATI CITY Registration date : 2008-03-07
| Subject: Re: October 22, 2008 Book Release Wed Oct 29, 2008 8:43 pm | |
| | |
|
| |
Sponsored content
| Subject: Re: October 22, 2008 Book Release | |
| |
|
| |
| October 22, 2008 Book Release | |
|