1.
PHR 2915 Fake Lovers by Dawn IgloriaDumating si Vera sa puntong kinainisan na niya ang kanyang sarili dahil wala nang lalaking makatagal sa kanya. Naisip niyang may mali siguro sa kanya at walang nagturo sa kanya kung paano maitatama iyon.
Kaya lumapit siya kay Lumiel at humingi rito ng tulong. Kinausap niya itong magpanggap bilang boyfriend niya at turuan siya kung paano magmahal nang tama at mag-handle ng isang relasyon. Plano kasi niyang balikan ang ex-boyfriend niyang si Morris.
She didn’t think Lumiel would take it to heart to teach her. Dahil tinuruan nga siyang magmahal nito sa tunay na kahulugan ng salita. Kaya nang magtapos na ang “tutorial sessions” nila, kapit-tuko na siya rito.
“Kung nag-aambisyon kang maging boyfriend si Lumiel, kalimutan mo na. Dahil kumbaga sa kurso sa college, kahit first sem lang sa puso ni Lumiel ay hindi mo mararating. Hindi ko papayagan,” banta niya sa babaeng hahabul-habol dito.
2.
PHR 2916 Ivy's Gamble by CamillaHalata sa anyo ni Ivy ang dahilan kung bakit napag-iiwanan na siya ng panahon: ang kanyang weight. Bago pa siya tuluyang mahuli sa biyahe ay nagdesisyon na siyang magpapayat. Sa gym niya nakilala si Dag Agbulos, na sa isang aksidente ay nadaganan niya.
Nang maulit ang ganoong aksidente, napalitan na ng pagkapahiya rito ang inis niya. Hanggang sa magpakita ito ng interes sa kanya. Magpapabola ba siya rito? Sampu-sampera ang mga babaeng handang makipagsabunutan sa isa't isa for a piece of him. Ano ang laban ng isang tabatsoy na tulad niya?
3.
PHR 2917 Just The Way You Are by Sheena RoseDumating mula sa States ang kinakapatid ni Lhynda na si Marcus at walang pakundangang inianunsiyo nito na titira ito sa bahay nila nang dalawang linggo. Malaki ang naging kasalanan nito sa kanya noon kaya desidido siya na paghanapin ito ng malilipatan nito.
Panibagong problema ang kinaharap niya nang may mag-iwan ng sanggol sa tapat ng bahay nila. Napilitan tuloy siyang tanggapin si Marcus sa kondisyong ito ang mag-aalaga sa kanyang bagong “ampon.”
Habang lumilipas ang mga araw ay naiisip niya na perfect husband material si Marcus. That was weird, considering the fact that she had no plans of settling down anytime. Pero ayon dito ay makapag-aasawa raw siya.
Bakit nito nasabi iyon?
4.
PHR 2918 Borrowed Boyfriend by Kayla Caliente Isinumpa ni Gwen sa nakakalbong peluka ng lolo niya na hindi siya haharap kay Robby nang walang bitbit na bagong nobyo. Si Robby ang dumurog sa puso niya kaya bilang pagbabangong-puri ay gusto niyang may kaakbay siyang lalaki kapag nagharap sila nito.
Pero wala namang nabibilhan ng boyfriend kaya nang mabalitaan niyang parating sa bansa si Robby ay taranta to the max siya. Nagmagandang-loob ang matalik na kaibigan niyang si Lea. Ipinagpilitan nito na hiramin niya ang nobyo nitong si Justin. Tumanggi siya pero may kasabihan na “beggars can’t be choosers” kaya sa dakong huli ay pumayag na rin siya.
Matagumpay ang love team nila ni Justin. Kung mga artista lang sila ay tiyak na hahakot sila ng acting awards sa iba’t ibang award-giving bodies. Maayos na sana ang lahat nang ma-realize niyang may malaking problema. Gusto na niyang totohanin ang pagganap sa papel na nobya ni Justin. Paano kapag binawi na ito ni Lea?
5.
PHR 2919 Head Over Heels With Marcia by Claudia SantiagoHalos madurog ang puso ni Marcia nang ianunsiyo ng best friend niyang si Dennis na magpapakasal na ito sa nobya nitong kinaiinisan niya. Lihim kasing iniibig niya ito. She was on the brink of breaking down in front of their friends when Gavin provided her a way out.
Upang matulungang lumimot at maka-recover siya, inalok niya ito na maging steady date at constant companion niya. Agad namang tinanggap nito iyon.
Ngunit dumating sa puntong kung umakto sila ni Gavin ay tila totoong may relasyon sila. Namalayan na lamang niya ang sariling unti-unti nang nahuhulog ang loob dito. Ngunit noon naman sinabi ni Dennis sa kanya na handa na itong mahalin siya.
Sino ang pipiliin niya kina Dennis at Gavin?
6.
Stallion Series 45: Lee Shin Yang by Sonia Francesca “Hinding-hindi ako magpapakasal sa iyo mamatay man ang lahat ng kuko sa paa ko! Never! As in never mong mahahawakan ni dulo ng daliri ko!”
Iyon ang mga salitang binitwan ni Army kay Shin, ang masugid niyang manliligaw na half Korean at half Filipino. Sa sobrang sugid nito, ni hindi na nito alintana kung ilang beses niya itong binasted. Kahit nasa Korea ito ay tumatawag pa talaga ito para lang manligaw. Na siyang kinabubuwisitan niya, lalo pa nga at katatapos lang niyang mabigo sa pag-ibig. Tuloy ay nabuhos dito ang lahat ng galit niya sa mga kalahi ni Adan.
Pero nagbago iyon nang dumating sa bansa ang binata. She still hated his guts. But there was just something in his gentle voice and chinky Korean eyes that made the coldness in her heart slowly melt away...
7.
Stallion Series 46: Myco Gosiaco 1 by SofiaOlympia Montez was out to save the world. Isang impormasyon ang nakuha niya na isang terorista ang kinakanlong ng Stallion Riding Club. Kaya pumasok siya roon bilang si Florecina Malaybalay, ang ambisyosang housekeeper na ang gusto lang ay makapag-asawa ng guwapong member ng riding club.
Wala siyang planong ma-in love kung hindi lang humara-hara sa daraanan niya si Myco Gosiaco, ang masungit at supladong head ng security ng riding club.
Isang kalaban si Myco. Pero bakit nanatiling sutil at hindi nakikinig ang puso niya?
8.
Stallion Series 47: Myco Gosiaco 2 by SofiaOlympia threw caution to the wind when she fell in love with Myco Gosiaco. Nakalimutan na niya ang responsibilidad niya sa mundo. Subalit paano kung lumabas na ang totoong pagkatao niya? Paano kung malaman na ni Myco na siya ang mortal na kaaway nito?
Kaya ba niyang itapon na lang sa hangin ang pag-ibig niya rito o pipiliin niya ang tanggapin ang galit nito at patuloy na mahalin ito?
9.
CIN 20 Hiyasmin, The Shell Seeker by Dawn IgloriaUmiikot lang ang buhay ni Hiyasmin sa beach house ni Tita Francia, ang taong nagpalaki sa kanya. Nagkaisip na siya sa beach house, nagsibli rito at sa anak nitong si Colette. Ang pinakamalayong narating niya ay ang baybayin sa labas ng bahay na nagagawa lang niya tuwing lumuluwas ang mga ito sa Maynila.
Marahil ay ganoon na lang talaga ang buhay niya, hindi malaya, habang-buhay na magbabayad ng utang-na-loob sa kanyang tita.
Ngunit nakilala niya si Guillermo nang minsang mamulot siya ng mga sigay sa aplaya. Napatanga siya nang matitigan niya ito. Maging ito ay titig na titig sa kanya. Natagpuan niya ang sariling minememorya ang bawat anggulo ng guwapong mukha nito.
Nakikipagkaibigan ito. Pero mabilis niya itong tinalikuran. Ayaw niyang suwayin ang isa sa mga bilin ni Tita Francia.
Ngunit nasilip niyang nakatanaw ito sa bahay.
Pangako, sa susunod na magkita kaming muli, susuwayin ko na si Tita Francia…
10.
Pepper Series 29: Hershey by VanessaMatagal na minahal ni Hershey si Miguel ngunit dumating ang panahong kailangan na niyang isuko ang pagmamahal na iyon. Noon niya nakilala si Ozz. Sa tulong ng alak ay nalimutan niya ang lahat ng problema at sumama siya rito. Something happened between them.
But then Miguel came back…