1.
PHR 2920 Kung Sasabihin Kong Mahal Kita... Payag Ka Ba? by AmandaKailangan ni Zenobia ng isang guwapo at mayamang lalaki na magpapanggap na boyfriend niya. Wala sa mga kakilala niyang lalaki ang papasa sa kategoryang hinahanap niya, kaya naghanap siya sa escort service website na itinuro sa kanya ng isang kaibigan.
Nakilala niya si Cooper at kinuha niya ang serbisyo nito. Nagkita sila ng lalaki. Pero nang makaharap niya ito ay hindi siya makapaniwalang maaaring maging disente ang isang lalaking bayaran.
Mula sa pagiging old fashioned ay binago ni Cooper ang personalidad niya. Sa tulong nito ay naging isang magandang swan ang noon ay tinawag na “ugly duckling.” Nagulat ang mga kaibigan niya nang dumating siya sa reunion: maganda, moderno, kasama ang boyfriend na guwapo at mayaman.
Kunwa-kunwarian lang iyon. Pero bakit ang kunwa-kunwariang relasyon nila ay gustong gawing totohanan ni Cooper?
2.
PHR 2921 First Love Swear (Stronger Than A Promise, Deeper Than A Dare) by Rose TanSagad sa butong kilabot ang naramdaman ni Agripina nang makatanggap siya ng love e-mails mula kay Melanio, her very first love, at ang lalaking pinangakuan niya ng walang-katapusang pag-ibig sa ituktok ng batuhan.
Pero noon iyon. Noong baduy pa siya. Feeling-sosyal na siya ngayon at wala na siyang panahon sa mga ka-corny-han nito. Ibinaon na niya ito sa limot. Ang kaso, mababaw lang pala ang hukay na nagawa niya dahil nang makaharap uli niya ito ay parang zombie na bumangon at nabuhay ang damdamin sa puso niya na kung tawagin ay “first love.”
Ang masaklap, itinatanggi ni Melanio ang mga e-mails at hindi na raw siya mahal nito.
3.
PHR 1844 When Will You Be Mine? by Raquel PanganibanAng simpleng crush na naramdaman ni Shanna para kay Rae noong grade four siya ay umusbong sa isang pag-ibig. When she turned thirteen, she knew it was true love.
Ngunit tila isang nakababatang kapatid lang ang turing nito sa kanya.
Until her eighteenth birthday came. Hinalikan siya nito sa mga labi… matagal at maalab.
Pero bakit?
4.
PHR 1884 Because Of You: One Life, One Love by Sheila MendozaNamatay sa isang malagim na sea tragedy ang ama at mga kapatid ni Dave. Mabuti na lamang at nakaligtas sila ng kanyang mama. Mula noon ay nagkaroon na siya ng takot. He wouldn’t take any risks anymore.
Kabaligtaran naman niya ang nobya niyang si Julianne.
Sa sobrang takot niya sa larangan ng trabaho nito ay pinag-resign niya ito at pinapasok sa kanyang kompanya. Isang flight attentand ito at alam niyang anumang oras ay masusuong sa panganib ang buhay nito.
Pero isang araw, sinabi nito sa kanya na hindi ito nag-e-enjoy sa opisina at gusto nitong balikan ang dating trabaho.
Hindi niya alam kung papayagan niya ito. Takot siyang baka may kung anong mangyari ditto.
Pero paano kung ang pagtanggi naman niya ay ang tuluyang pagkawala nito sa buhay niya?
5.
PHR 2477 Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin 1 by VanessaDahil kailangang iwasan ni Flor ang isang makulit na DOM ay napilitan siyang lumuwas sa Maynila. Masaya naman siya nang agad siyang matanggap sa isang hotel bilang chambermaid. Doon ay nakilala niya si Zeph, ang big boss niya—mayaman, guwapo, arogante, batas ang bawat salita.
Hindi maganda ang naging unang pagkikita nila. Hindi sinasadyang napagkamalan niyang masamang tao ito kaya nahataw niya ito sa ulo at natutukan ng patalim.
Sinesante kaagad siya nito subalit nakiusap siyang bigyan siya nito ng isa pang pagkakataon. Napahinuhod naman niya ito… Subalit bakit sa pagdaan ng mga araw ay tila ibig nitong mapabilang siya sa listahan ng mga babae nito?
6.
PHR 2478 Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin 2 by VanessaHindi kaya ni Flor na iwasan si Zeph. Ayaw man niya ay nahuhulog ang loob niya rito. Alam niyang malayo ang agwat nila sa buhay kaya ganoon na lamang ang paglaki ng puso niya nang pinatunayan nito kung gaano siya kamahal nito. Tinalikuran nito ang lahat para sa kanya.
Subalit dumating ang pagkakataong siya naman ang kailangang magpamalas ng pagmamahal ditto upang mapabuti ito. Ngunit labis na nagalit ito sa kanya…
7.
Drop-dead Playboys Series 21: Hayden Villaruiz (The Lost Prince 1) by Heart YngridAs a poor provincial girl who believed in fairy tales, Lora had always been waiting for her prince to come along and take her to his palace. Hanggang sa dumating nga ang isang malaprinsipeng lalaki sa buhay niya. Ang problema ay hindi nito matandaan kung nasaan ang palasyo nito. He had no memory and he was penniless.
Suddenly, she had a princely husband. Wala man itong mga ginto at kayamanan, minahal niya ito nang tunay. She thought they could live happily ever after but she was wrong. Bumalik ang alaala nito. Natuklasan nito ang tunay na pagkatao nito at hindi na siya kinilala nito bilang asawa.
Sadyang wala yata talagang happy ending. Dahil sa halip na dalhin siya ng kanyang prinsipe sa palasyo nito upang pakasalan ay ginawa pa siyang alipin nito.
Mukhang paatras yata ang kanyang fairy tale...
8.
Drop-dead Playboys Series 22: Hayden Villaruiz (The Lost Prince 2) by Heart YngridMarriage. Wife. Children. Walang interes si Hayden sa mga bagay na iyon. Kaya hindi niya matanggap na nakatakda na siyang magkaroon ng isang asawa at anak. Nakatakda na siyang magpakasal sa isang babaeng ni hindi niya mahal.
Isa lamang ang solusyon sa problema niya. And that was to run away.
Ngunit hindi na niya kinailangang gawin ang bagay na iyon dahil ang tadhana na mismo ang naglayo sa kanya sa kasal na hindi niya ginusto.
Nakaligtas nga siya sa kasal na hindi niya gusto ngunit nang magising siya mula sa malalim na pagkakahimbing ay may asawa na siya...
9.
Calle Pogi Series 8: Ryu by Sonia FrancescaGrabeng sama ng loob ang nadama ni Carmi nang marinig niya ang usapan ng boyfriend niya at ng stepmother niya. May usapan pala ang mga ito na paibigin siya at pagkatapos ay unti-unting kukunin sa kanya ang mga kayamanang naiwan ng kanyang ama.
Dahil natatakot siya para sa kanyang buhay, nagpasya siyang kumuha ng bodyguard sa katauhan ni Jazzy. Dinala siya nito sa Calle Pogi. Mapapangalagaan daw kasi siya ng mga residente roon. Mukha ngang mabait ang mga tagaroon maliban sa isang lalaki--si Ryu.
Dahil sa halip na protektahan, ginawa siya nitong katulong nang masira niya ang bukbuking gate ng mas bukbuking bahay nito.
They clashed every time they saw each other. Gayunpaman, tuwing nalalagay ang kanyang buhay sa panganib ay ang antipatikong binata ang laging nasa frontline.
Kamukat-mukat niya, in love na siya rito. At dahil sa thoughtful ito, hindi tuloy niya maiwasang isipin na maaaring may pagtingin ito sa kanya.
Uuuy, tsismis!
10.
MLH 366 Avondale by SofiaNaging disaster ang bagong trabaho ni Dayanna nang harass-in siya ng boss niya. Sa sobrang galit niya ay ginulpi niya ito nang magkaroon siya ng pagkakataon. Maagap na napigilan lang siya ng guwapong si Avondale Moresca kaya hindi niya napatay ang boss niyang manyakis.
Wala siyang tiwala rito kahit nang mag-offer ito ng tulong. “At bakit naman sasama ako sa iyo? Baka mamaya, ipa-salvage mo pa ako para walang magreklamo kay Mr. Despositio,” nakataas ang kilay na reaksiyon niya.
Hindi por que guwapo ito ay magpapauto na siya rito. Kahit pa nga guwapo ito, matipuno ang katawan, at masarap magpaakit dito, hindi niya isusuko ang dangal niya rito.