1.
PHR 2974 Egay's Romance by VanessaTuwing magtatagpo sina Egay at Timothy ay hindi maganda ang nangyayari. Unang pagtatagpo pa lamang nila ay nilait na si Egay ng lalaki gayong wala naman siyang ginagawang masama rito. Higit na mas malaking trahedya ang ikalawang pagtatagpo nila dahil nabundol ng kapatid nito ang kapatid niya.
Mukhang parating pinagtatagpo ng tadhana ang kanilang mga landas upang magkasagupaan.
Ngunit isang araw ay bigla na lamang ipinakilala siya sa ex-girlfriend nito bilang fiancée nito, at saka hinagkan siya sa mga labi.
Dapat ay magalit siya. Pero bakit hindi siya nag-react? Bagkus ay kinilig siya…
2.
PHR 2975 Bakit Ngayon Ka Lang? by Kayla CalienteNananaghoy ang nasawing puso ni Gia nang unang magtagpo ang mga landas nila ni Keith, habang umaawit ito sa isang videoke bar. Ang pesteng lalaki, theme song pa nila ng kanyang taksil na ex ang napili nitong kantahin nito kaya muntik na niyang batuhin ito ng baso.
Ang sumunod na pagtatagpo nila ay nang mabangga siya ng sasakyan nito. And then she learned that he was moving into the same subdivision she was living in.
Tuloy ay hindi niya maiwasang maisip: may ipinagdudukdukan ba sa kanya ang tadhana?
Sa pagdaan ng mga araw ay natuklasan niyang si Keith na nga yata ang sugo ng kapalaran para ma-resuscitate ang na-murder na puso niya. As she got to know him better, she slowly but surely fell in love with him.
Isang sentimetro na lang ay aaminin na niya na deeply, madly and truly in love with him na siya. Pero bago mangyari iyon ay may natuklasan siyang masaklap na katotohanan tungkol dito kaya dapat na siyang um-exit sa buhay nito.
Araguy!
3.
PHR 2976 Shut Up And Kiss Me by Rose TanPamamanahan daw si Rixie ng tita niyang old maid ng sandamakmak na alahas kung makipagbabalikan siya kay Leroy.
Pumayag siya. How hard could that be?
So very hard pala. Dahil…
“Shut up, Rixie! Ayoko nang marinig ang mga paliwanag mo na iisa naman ang ibig sabihin. Niloloko mo ako. Umalis ka na!” ani Leroy. Binato pa siya nito ng sponge.
Tsk. Tsk.
4.
PHR 2977 Doc, Gamutin Mo Ang Puso Ko by CamillaIsa si Zak sa mga indigent patients ng Czech-Japanese heart surgeon na si Dr. Bobek Toyonaga. Guwapo na ay busilak pa ang kalooban ng naturang doktor kaya masisisi ba siya kung mabilis na nahulog ang loob niya rito?
Pero nalaman niyang nakatakda na palang ikasal ito.
Napaka-ironic na si Bobek ang doktor ng kanyang puso, pero ito rin ang nagdulot sa kanya ng sakit na hindi malulunasan ng pinakamagaling na surgeon sa buong mundo.
5.
PHR 2978 Accidental Lovers by Dawn IgloriaMuntik nang mapatid ang pasensiya ni Lulie sa kaibigan niyang si Morris nang gamitin siya nito upang itaboy ang isang babaeng hahabul-habol dito. Hindi naman niya matiis ito. Lalo na nang sabihin nitong ayaw nitong mapikot.
Minsan lang niyang tinulungan ito ay nawili naman ang bruho. Siya na ang ginawa nitong companion nito sa lahat na yata ng social functions na pinupuntahan nito. Kung bakit kasi kahit nakukunsumi siya rito, napapapayag pa rin siya nitong tulungan ito.
Nagtaka ang lahat nang maging sila ni Morris. Sadya nga yatang malakas ang persuasive powers nito dahil pati puso niya ay nagawa nitong pasunurin.
Kaya lang ay may iba palang agenda ito kaya pinaibig siya—sa kanya nito ipasasagip ang naluluging kompanya ng pamilya nito.
Doon na siya umalma.
6.
PHR 2979 Treasure In Your Heart by Heart YngridMikki loved adventures. Nasubukan na yata niya ang lahat ng klase niyon. Isa na lang ang hindi pa niya nagagawa—treasure hunting. Kaya nang sabihin sa kanya ni Don Tiburcio Archanghel ang tungkol sa kayamanang ibinaon ng great-grandfather nito sa isang lugar na hindi nito alam ay na-excite siya.
Bago pumanaw ang matanda ay binigyan siya nito ng basbas upang hanapin ang kayamanan. Nang simulan niyang hanapin iyon ay nakilala niya ang nagpakilalang apo nito na si Rafhael. Pilit man niyang itinago dito ang bilin ng lolo nito ay nalaman din nito ang tungkol sa kayamanan.
She would not mind tagging him along in her search for the treasure. Ang problema, napakayabang at napakabastos nito. Pinag-iinit nito ang kanyang ulo. Ngunit habang tumatagal ay parang hindi lang ang kayamanan ang gusto niyang maangkin kundi mukhang pati ang puso ng kanyang babaerong treasure-hunt buddy...
7.
PHR 2980 Ichigo Machimaru (Strawberries and Marshmallows) by Sheena Rose* cover to followAng akala ni Lowee ay hindi niya kailanman mararanasan ang maging brokenhearted dahil natagpuan niya nang maaga ang kanyang “Mr. Right.” Ngunit nang lokohin siya ng first love niya ay parang gumuho ang kanyang mundo.
Mabuti na lamang at nasa tabi niya si Keeno—ang half-Japanese cutie na best friend niya. Ito ang tumulong sa kanya na ngumiti uli sa pamamagitan ng strawberry and marshmallow cake na bine-bake nito.
Isa na lamang ang nais niyang mangyari, ang maipakita sa ex-boyfriend niya na nakapag-move on na siya. Ngunit pumalpak naman lahat ng date niya kaya napilitan siyang sabihin dito na si Keeno ang ipinalit niya rito. Bahala na si Batman kapag nalaman ni Keeno ang ginawa niya.
8.
PHR 828 Para Saan Ang Pag-ibig? by AmandaPara kay Aya, maituturing na fairy tale ang love story nila ni Gabby. Mula sa pagiging tindera sa palengke hanggang sa tanghalin siyang Bb. Sto. Rosario sa lugar nila ay hindi na siya hiniwalayan nito.
Ito ang prinsipeng nag-ahon sa kanya sa hirap.
Mahal niya ito kaya walang pagdadalawang-isip na tinanggap niya ang kasal na inalok nito sa kabila ng pagtutol ng pamilya nito. Ano raw ang mapapala ni Gabby sa isang tinderang katulad niya? Dinamdaman man niya ang mga parunggit na iyon ay doon siya humugot ng lakas upang patunayan ang sarili sa mayamang pamilya nito.
Natatanaw na niya ang tagumpay nang biglang bumagsak ang loob niya dahil sa nalamang totoong dahilan ng pagpapakasal sa kanya ni Gabby. Alin ang susundin niya? Ang isip niya na nagsasabing isuko na niya si Gabby o ang puso niyang sumasalungat sa idinidikta ng kanyang isip?
9.
PHR 1343 Sa Pagngiting Muli Ng Puso by VanessaIngrid used to be carefree. Ngunit nang ipamukha sa kanya ng lalaking minahal niya na kailanman ay walang lalaking tototohanin siya, parang bigla siyang natauhan… at natakot. She became so reserved and a real Miss Prim and Proper. Naging sobrang organized ang kanyang buhay.
But Gabe came along. Masyado itong masiyahin. Natakot siyang lalong mapalapit dito dahil nakikita niya ang dating sarili rito. But she could not resist him. At hindi man niya aminin ay nag-e-enjoy siya kapag kasama niya ito. Nararamdaman din niyang unti-unti ay nakukuha nito ang puso niya.
Ngunit paano kung malaman niyang palabas lang pala ang pakikipaglapit nito sa kanya? Now that she was ready to really give her heart to him…
10.
The Bachelors Series 48: Ricardo "Rich" Caballero (There's A Place For Us) by Elizabeth McBrideAng kahirapan sa buhay ang nagtulak kay Nikki para piliin ang ambisyon at isantabi ang pag-ibig niya para kay Rich. She wanted to give her family a better future.
Lingid sa kaalaman niya, hindi huminto si Rich sa pagmamahal sa kanya. Halos mapabayaan nito ang sarili para lang matupad ang mga pangarap niya. Nang malaman niya ang tungkol sa mga ginawa nito ay noon niya natiyak sa sarili na nakahanda na siyang ipaglaban si Rich. Pero paano pa niya sasabihin dito na dugtungan nila ang kanilang kahapon kung mayroon na palang ibang nagmamay-ari dito?