1.
PHR 2936 Puwede Ka Bang Mahalin? by CamillaNang mamatay ang ama nina Zen at dumating ang second family nito na gustong kunin ang bahay nilang magkakapatid, naisip niya ang guwapo pero may-kayabangang abogado na si Atty. Boyd Baltoza. Baka mapakinabangan niya ang pagiging abogado nito upang maipaglaban ang karapatan nilang magkakapatid.
Tinanggap nito ang kaso. Habang ongoing iyon, unti-unti ring nakilala niya ito. Hindi pala kasinsama ng pagkakakilala niya rito ang tunay na ugali nito. Habang tumatagal, tuluyan nang nahuhulog ang loob niya rito.
Hanggang isang gabi ay nauwi sila sa isang mainit na tagpo. Naisiwalat niya rito ang tunay na damdamin niya rito. Mula noon, tila iniiwasan na siya nito.
2.
PHR 2937 The Day You Came Along by AmandaHindi naging maganda ang unang pagkakakilala ni Atang kay Sam dahil muntik nang masagasaan ng kotseng minamaneho ni Sam ang kapatid niya. Maliban sa bugbog na balakang ay wala namang masamang nangyari kay Ipe. Pero hindi na magbabago ang unang impresyon ni Atang na masamang tao ang guwapong binatang abuhin ang mga mata.
Nang sumunod na araw, hindi pa man nawawala ang inis niya rito, ay kinukuha naman siya nitong modelo sa labis na pagtataka niya.
Nakakasilaw ang alok nito. Nakakatukso ang mga pangako nito.
Hinimok siya nitong pumirma sa kontrata. Pero bakit tila may iba pang probisyon sa kontratang iyon na nasasangkot ang puso niya?
3.
PHR 2938 Just To Have You by Ana Katrina VelascoHindi na sana tatanggapin ni Mavee ang alok ni Vince na magpanggap na girlfriend nito, kahit malaki ang utang-na-loob niya sa binata, dahil sa kadahilanang may boyfriend na siya. Pero nang malaman ng boyfriend niyang si Dino na may kapalit na halaga ang gagawin niya ay ito pa mismo ang nagtulak sa kanya na tanggapin ang alok ni Vince. Kaya naman pumayag na rin siya.
Ilang buwan pagkatapos ng pagpapanggap nila ay unti-unti nang lumalayo sa kanya si Dino. At natuklasan niya sa mismong bibig nito ang dahilan: binili siya ni Vince rito sa halagang limandaang libong piso.
Galit na kinompronta niya si Vince. Sinikap nitong magpaliwanag ngunit hindi niya ito binigyan ng pagkakataon.
Masakit para sa kanya ang katotohanang iyon dahil na-realize niyang may puwang nap ala ito sa puso niya…
4.
PHR 2939 Groom For Hire by Rose TanOn the surface, Timmy had everything—a successful career, physical beauty, and friends. Kung gaano katayog ang pride niya, ganoon naman kalalim ang kanyang inseguridad. At iyon ang nagtulak sa kanya para alukin ng malaking halaga si Graciano para magpanggap na groom sa kasal niyang hindi matutuloy kung hindi ito papayag.
Happy single tatay si Graciano pero aminado ito na magastos ang magpalaki ng dalawang inakay. Kaya walang pero-pero, walang bakit-bakit, tinanggap nito ang alok niya.
Nagkasundo sila. Ang kailangan na lang ay mag-practice.
“Walang maniniwala na may relasyon tayo kung hindi tayo malambing sa isa’t isa,” wika niya. Inilagay niya ang kanyang kamay sa baywang nito. “Huwag kang manigas.”
“`Yan, Miss Timmy, ang huling bagay na gugustuhin kong mangyari. Ang manigas.”
5.
PHR 1009 For The Rest Of My Life by Elizabeth McBrideSa simula pa lang ay tutol na si Belinda sa panliligaw ni Rafael sa kanyang kapatid na si Stephanie. Alam niyang ang kayamanan at estado nila sa lipunan ang pangunahing interes ng binata.
Subalit hindi siya nagtagumpay na hadlangan ang pag-iibigan ng dalawa. Nagkaroon pa rin ng relasyon ang mga ito. Only for her to find out na hindi naman ganoon kaseryoso ang kanyang kapatid sa binata. Pinaglaruan lamang ni Stephanie si Rafael, ang lalaking basahan sa kanyang paningin.
Pagkaraan ng walong taon ay muling nagsanga ang landas nila ng binata. This time, kapantay na ito ng estado ng buhay nila, at naniniwala siyang paghihiganti ang pangunahing motibo nito sa pakikipaglapit sa kanya.
Ganoon pa man, she couldn’t help falling in love sa simpatikong binata…
6.
PHR 1080 Ituloy Natin Ang Kahapon by Noelle ArroyoSa dinaluhan niyang party ng mayayaman, nakasalubong ni Emily ang matiim na titig ng guwapong estrangherong iyon.
“I know of a place na magpapa-relax sa `yo. If you’ll trust me enough…”
Wala siyang nagawa kundi tumango. Sa ngiti nitong iyon, sasama siya rito kahit saan! At nang gabing iyon, isinuko niya rito nang buong puso ang kanyang kainosentihan. At iisa ang dahilan—agad niya itong minahal.
Ang lalaki ay si Marc Anthony del Franco—confirmed bachelor, man lover, playboy of the century. At tinakasan niya ito… dahil natatakot siyang ibigin ang tulad nito.
Caption:
“Itutuloy natin ang kahapon, Lauren. At hindi ka makatatakas hangga’t hindi ko nababawi ang puso ko.”
7.
PHR 1236 Lumang Piso Para Sa Puso by VanessaNangailangan ng pera si Alexandra kaya naman ibinenta niya ang old coin ng yumao nang abuela sa isang collector na si Dave.
Nang magastos na niya ang pera ay saka naman hindi natigil ang pagpapakita ng kanyang lola sa kanyang mga panaginip, na halos magpabaliw sa kanya.
Naisipan niyang bawiin ang coin kay Dave ngunit ayaw na iyong ibenta ng binata.
Isa na lamang ang solousyon na naiisip niya. Ang nakawin ang coin!
Pero paano naman ang puso niyang ninakaw na ng lalaki?
8.
CIN 72 Maja, The Foxy Princess by Heart YngridRaket ni Maja ang manghula para kumita ng extra. Ang totoo, hindi talaga siya nakakakita ng future. Isa lamang siyang huwad na manghuhula. Kaya nga hindi niya nahulaang maganda pala ang kanyang kapalaran. She was destined to be the bride of the rich and handsome Denmark Villaruiz---on a prearranged wedding.
Ni sa panaginip ay hindi niya naisip na maaari siyang maging Cinderella. Pero may problema--ayaw sa kanya ng kanyang Prince Charming. At ayaw rin naman niya rito dahil napakaantipatiko nito. Kaya lang naman niya binubuntutan ito ay dahil gusto niyang parating inaasar ito dahil napakapikon nito.
Hanggang isang araw, natagpuan niya ang sariling umiibig na sa kanyang supladong prinsipe. Pero tila mahal pa rin nito ang ex nito.
May happy ending pa kaya ang fairy tale niya?
9.
Lukaret Series 14: Al's Secret Recipe 1 by CamillaParang gustong pagsisihan ni Al nang kagatin ni Charles Li ang mungkahi niya na maghanap ito ng babaeng magkukunwaring nobya nito para tumigil na ang ama nito sa pagrereto rito sa kung kani-kaninong babae. Paanong hindi siya magsisisi, siya ang napipisil ni Charles na maging “girlfriend” nito sa palabas na iyon?
For the sake of their friendship ay pumayag na rin siya.
Pero nang mahalikan siya nito bilang “ensayo” sa pagiging mag-“sweethearts” nila, gusto na naman niyang magsisi. Bakit ba nakapayag-payag pa siya? Dahil gaya nga ng sinabi ng best friend niya, delikado ang mababait na pilyo...
10.
Lukaret Series 15: Al's Secret Recipe 2 by CamillaEwan ni Albertita pero nang makaharap niya si G, ang babaeng inirereto kay Charles ng daddy nito, she felt sorry for the girl. Mukhang mabait ito at madaling i-please kaya siguro pumayag ito kaagad sa fixed marriage. Ang kailangan nga lang siguro ng dalawa ay makilala nang mabuti ang isa't isa.
Siya naman ay dapat nang umiwas habang maaga. Klaro ang kasunduan nila ni Charles. May relasyon sila--purely for convenience only. Darating din ang panahon na kailangan nilang maghiwalay kaya bakit patatagalin pa niya?