1.
PHR 2863 Love Adventure by Heart YngridHindi inakala ni Nica na mararanasan niya ang kuwento sa awiting “Sad Movies” nang makita niya ang kanyang nobyo at matalik na kaibigan na umupo sa mismong unahan ng inuupuan niya sa sinehan.
Kahit comedy ang pelikulang pinanonood nila ay gusto niyang umatungal ng iyak nang Makita niyang naghalikan ang mga ito. Pero hindi siya makapapayag na hindi makaganti sa kataksilan ng mga ito. Kaya nag-isip siya ng paraan para kahit paano ay maibangon niya ang kanyang pride na tinapakan ng mga ito sa panloloko sa kanya.
Kinalampag niya ang upuan ng mga ito at hinalikan ang estrangherong lalaking katabi niya sa sinehan. Diyata’t ito rin ang lalaking nakatitigan niya sa ticket booth?
2.
PHR 2864 Si Li Peng by CamillaNagtungo si Li Peng sa Pilipinas para sa isang misyon. Kukumbinsihin niya ang lalaking ipinagkasundo ng kanyang mga magulang para mapangasawa niya na tulungan siyang tutulan ang kanilang kasal. Mukha namang hindi siya bibigyan nito ng problema dahil madaling kausap ito.
Just as she was starting to think her mission was accomplished, saka naman siya nagkaroon ng dilemma: She found herself falling in love with Cheng, her supposed to be future brother-in-law!
3.
PHR 2865 Helen's Romance by VanessaSa unang pagkikita nila ni Curtis ay napagkamalan si Helen na kidnapper ng lalaki. Sa pangalawang pagkikita nila ay naghahanap ito ng yaya. Naisip niyang puwede na niyang pagtiyagaan ang kasungitan nito dahil malaki ang suweldo at maganda ang benepisyo.
Pero hindi naman pala niya kailangang magtiyaga. Sa kalaunan ay napagtanto niyang hindi lang naging maganda ang unang pagkikita nila kaya madaling nahulog ang loob niya rito. Pinaasa siya nito sa wala at saka siya pinaalis sa buhay nito. Ngunit nagbalik ito, at gustong muli siyang magtrabaho para dito.
Aba, ang kapal naman ng mukha nito!
4.
PHR 2866 Not An Ordinary Anna by Jasmine EsperanzaSimple lang ang buhay ni Anna, mahirap pero nakakaraos naman. Kaya nang makipagkaibigan sa kanya ang napakaguwapo at napakayamang si Aldrin ay hindi siya makapaniwala.
Pero dumating ang puntong lumalagpas na sila sa boundary ng pagkakaibigan. Naibigay niya rito ang sarili nang hindi malinaw kung ano ang relasyon nila.
Ngunit bigla ay hindi na nagpakita ito sa kanya. Dumating pa ang puntong nagipit sa pananalapi ang pamilya niya at wala siyang choice kundi tanggapin na ang tulong ng matagal na niyang manliligaw. Napilitan na rin siyang sagutin ito dahil sa utang-na-loob dito.
Ngunit noon muling nagpakita sa kanya si Aldrin…
5.
Drop-dead Playboys Series 12: Geoff Sandoval: My Heart, My Home 1 by Heart Yngrid A year after Ella's grandmother passed away, a man named Geoff showed up at her doorstep. May hawak itong katibayan na ito ang may-ari ng bahay at lupa na tinitirhan niya at ng kanyang yumaong lola.
Si Don Herminio pala na namayapang lolo nito ang totoong may-ari ng mansiyon. Ipinamana raw dito iyon kaya sinabihan siya nito na umalis doon dahil wala siyang karapatang manatili roon.
Ngunit pinapangako siya ng kanyang lola na huwag siyang aalis doon kahit ano ang mangyari. Desidido siyang tuparin iyon kaya sa kabila ng mga pananakot ni Geoff ay pinanindigan niya ang kanyang desisyon.
As they stayed together in one house, they tried to discover his grandfather and her grandmother's old secrets. Kasabay niyon ay natuklasan din niyang umiibig na siya kay Geoff. But she knew that sooner or later, she would have to leave the house.
6.
Drop-dead Playboys Series 13: Geoff Sandoval: My Heart, My Home 2 by Heart Yngrid Ella was well aware she and Geoff were worlds apart. Mayaman ang binata at mahirap lang siya. Lumaki ito sa modernong pamumuhay at siya ay sa makaluma. Marami siyang pinaniniwalaang hindi nito inaayunan at bagkus ay pinagtatawanan pa nito. Wala sila ni isang bagay na ikinatugma. Hindi sila bagay.
Alam niyang walang patutunguhan ang lihim na damdamin niya para dito. Kailanman ay hindi siya magugustuhan nito. Ngunit bawat araw na lumilipas ay mas minamahal pa niya ito.
But she could not leave the house because of her grandmother's death wish. Makakaya kaya niyang mapaglabanan ang damdamin niya para sa binatang kahit madalas magsungit ay guwapo pa rin sa paningin niya?
7.
Men Of Action Series 3: Betrayal Of Trust by Laurice del RioHate at first sight ang naramdaman ni Ria nang makilala niya ang bagong physical therapist niyang si Luke. But there was really probably just a thin line between love and hate because she soon found herself attracted to and fascinated by him. Sa tingin naman niya ay may nararamdaman din ito para sa kanya. So she planned to break up with her boyfriend. But before she could do so, fate intervened and she soon found herself in terrible danger. Not only that, the truth that was about to be revealed was destined to break her spirit... and her heart.
8.
Stallion Series 40: Baxter Saavedra by Sonia FrancescaBaxter Saavedra had all the right ingredients to be the perfect hero in a romance story or real life. Kung hindi lang siguro sa ugali nitong hindi ma-gets ni Michi, baka nagamit na niya itong hero sa mga nobelang isinusulat niya. At aaminin niya, minsan sa buhay niya ay nagkaroon din naman siya ng lihim na pagsinta rito.
Wala naman talaga siyang planong pansinin ito kung hindi lang ito ang unang lumapit sa kanya. He treated her like a lady. He made her feel special. He made her fall for him. Ngunit nang magkaroon siya ng pagkakataon na ipahayag ang kanyang damdamin dito, bakit bigla na lang lumayo ito sa kanya?