Teka hahanapin ko ang teaser ko nito. Story ito ni Atasha and Kurt. Atasha is Kim's cousin na nakatuluyan ni Rohann. At si Kurt ang dapat na ipapakasal kay Kim kaso nakipagtanan na si Kim kay Rohann sa mismong araw ng engagement party nila ni Kurt.
This is not the official teaser. Ito lang ang nahalungkat ko sa teaser vault ko. Para lang may idea kayo kung anong meron.
“I will never marry a coldhearted bastard like you! Wala kang alam sa pagmamahal. Walang mahalaga sa iyo kundi ang sarili mo!”
Those were Atasha’s exact words when Kurt asked her to marry him. Hindi naman siya nito mahal. He was after her family’s political record.
But nothing could stop him from being a part of her family. Pinsan na niya ang nauto nitong magpakasal dito. Her cousin who was in love with her long lost boyfriend whom they thought died.
She needed to save her cousin from a heartless marriage. At hahadlangan niya si Kurt sa pagsira sa buhay ng pinsan niya. Kahit na ano ang maging kapalit.