1.
PHR 2907 Allie's Chase by Dream GraceSi Chase lang ang lalaking minahal ni Allie buong buhay niya. Nanghihinayang siyang hindi man lang niya naipagtapat ang pag-ibig niya rito nang kidnap-in ito at patayin ng mga kidnappers.
Limang taon ang lumipas nang gulantangin siya ng boses nito habang nakatunghay siya sa puntod nito. Nang lingunin niya ang nagmamay-ari ng tinig ay halos himatayin siya. Nabuhay si Chase!
Pero ganoon na lang ang tanggi nito. “Kalel Falcon” daw ang pangalan nito. Para mapatunayan nito ang identity nito ay sumama siya sa rancho na pag-aari ng pamilya nito. Sa pananatili niya roon ay unti-unting nahulog ang loob niya rito, lalo pa’t halos pareho ang mga gawi at kinahiligan nito at ni Chase.
Nang makabalik na siya sa Maynila ay sinundan siya nito. Nang makita ito ng kapatid ni Chase na si Darrel ay nabunyag ang lihim sa pagkato ni Kalel…
2.
PHR 2908 Asmina's Destiny by Dawn IgloriaLumaki at nagkaisip si Asmina sa liblib na pook ng Ilang-ilang. Ang akala niya ay doon na siya mananatili habang-buhay. Ngunit nabaligtad ang mundo niya nang makita siya ng masungit at supladong si Romualdo. Ito ang naging daan upang malaman niya ang kanyang tunay na pagkatao.
Hindi pala siya tunay na mahirap. Apo pala siya ng multimillionaire na si Se¤or Rufo.
She was transformed from the proverbial rags to riches. Nakatakda siyang maging tagapagmana ng malaking kayamanan. Pero may hitch: kailangan niyang pakasalan ang supladong si Romualdo. Malay ba niya na may lumang kasunduan pala ang mga magulang nila noong hindi pa man siya natututong magbasa ng letra sa Abakada.
Okay na rin sana kahit suplado si Romualdo. Guwapo naman ito. Sa katunayan, crush nga niya ito kahit hindi pa niya ito nakikitang ngumiti.
Kaya lang ay tinanggihan nito ang alindog niya.
3.
PHR 2909 Sadie's Secret Love by Claudia SantiagoNang umalis ang pinsan ni Sadie na si Amanda patungo sa Amerika, ipinakiusap nito sa kanya na siya na muna ang bahala sa fianc‚ nitong si Tyler. Bantayan at libangin daw niya ang binata. Pumayag siya.
Ngunit hindi lamang iyon ang nagawa niya. Dahil natutuhan pa niyang mahalin si Tyler. Ngunit alam niyang si Amanda lamang ang mahal ng binata kaya nagulat siya nang sabihin sa kanya ng pinsan niya na may natagpuan na itong iba sa Amerika. Ayon dito ay hindi nito gustong biglain si Tyler. Kaya nakiusap uli ito sa kanya.
“Make him fall in love with you, Sadie. Nang sa gayon ay hindi magiging masyadong masakit sa kanya ang gagawin kong pakikipagkalas.”
Tatanggihan ba niya ang pakiusap nito gayong ang mahalin si Tyler ang gustung-gusto niyang gawin? Wala na sanang problema kung matututuhan din ni Tyler na mahalin siya...
4.
PHR 1539 That's When I'll Stop Loving You by CamillaMahal ni Allison si Cyrus, ngunit ang stepsister niyang si Geleen ang kasintahan nito.
Subalit dahil sa isang di-inaasahang pangyayari ay siya ang pinakasalan ng lalaki. Bittersweet man ang pakiramdam niya ay maligaya na siya dahil mahal niya ito.
Ngunit nang madiskubre nito ang panlilinlang na ginawa niya, ganoon na lamang ang pagpapasakit na ipinalasap nito sa kanya.
Sa kabila ng lahat, nakahanda pa rin siyang tanggapin ang anumang kaparusahang igagawad nito, hanggang sa magkaroon ng katuparan ang pag-ibig niya rito, kahit na wlaang katiyakan kung kailan...
5.
PHR 1704 Unforgotten Love 1 by Almira JosePunung-puno ng insecurity ang buhay ni Laurice. At sinisisi niya ang kanyang ina dahil doon. Sa buong buhay niya ay hindi niya naramdaman ang pagmamahal nito.
Nang makilala niya si Basti ay biglang nagkakulay ang kanyang mundo. She fell in love with him the first time she saw him. Lalo pa siyang natuwa nang malaman niya na may katugon din ang damdaming iyon. Pinunan ng pag-ibig nito ang mga puwang sa kanyang puso na nilikha ng kanyang mama.
Ngunit bumalik ang insecurity niya nang pasukin nito ang mundo ng musika. Alam niya kung gaano ka-demanding ang ganoong propesyon. But she was ready to sacrifice. Ayaw niyang agawin ang kaligayahang nakikita niya rito kapag umaawit ito.
Subalit may natuklasan siya. Tila hindi lang career nito ang kaagaw niya sa atensiyon nito...
6.
PHR 1709 Unforgotten Love 2 by Almira JoseMahirap para kay Laurice ang paglimot kay Basti; ngunit kailangan niyang gawin iyon, gaano man kalaki ang pag-ibig niya rito. Marahil nga ay hanggang doon na lang sila. She had to move on with her life.
But when she had finally gotten over the pain of losing him, saka naman ito nagbalik sa Pilipinas. Sa pagkikita nilang muli, nais sana niyang sumbatan ito sa ginawa nito noon. Pero inunahan siya nito ng galit na para bang siya ang may kasalanan kung bakit sila nagkahiwalay. Lalo pa at may nadiskubre ito sa kanya na inakala nitong matagal niyang inilihim dito.
Alam niya sa sariling mahal pa rin niya ito. Pero kaya pa ba niyang magtiwala? Isa pa, kaya ba niyang buwagin ang pader na iniharang nito sa sarili?
7.
Pepper Series 26: Andrea 1 by VanessaNang makilala ni Andrea si Miguel ay agad na nakadama siya ng matinding atraksiyon dito. Hindi man ito ang tipo niya sa isang lalaki ay nagawa nitong pabilisin ang tibok ng puso niya. Miguel had the looks, the money, the style, the sophistication to sweep a woman like her off her feet.
He seemed too good to be true... Was he?
8.
Pepper Series 27: Andrea 2 by VanessaPakiramdam ni Andrea ay nagkantahan ang mga anghel sa langit nang mag-propose sa kanya si Miguel. But she found out he was indeed too good to be true. Isa lamang pala ang ibig nito: ang kunin ang lahat ng mahalagang bagay sa kanya upang maghiganti. But Andrea Cabaña was no wuss. She would fight till the end. Makikita nitong nagkamali ito sa kanya.
9.
Calle Pogi Series 7: Sage by Keene AlicanteTahimik na ang buhay ni Alodia sa Laguna. Kontento na rin siya sa pagpapatakbo sa kanyang maliit na couture shop. Pero biglang nabago ang mapayapang daloy ng kanyang buhay nang mapilitan siyang tumuntong sa Calle Pogi para hanapin ang na-“kidnap” na alaga niya.
Sa Calle Pogi ay natagpuan niya ang lalaking nagtataglay ng pinakamagandang ngiti na nasilayan niya sa buong buhay niya—si Sage. Nagmamay-ari ito ng bakeshop na puring-puri ng mga kabarangay at mga kalapit-barangay nito.
Katulad ng mga paninda nitong pastries at cakes, naniniwala siyang sweet ito. Kaya lang, wala siyang amor sa matatamis. She hated everything sweet and romantic. She hated cakes and chocolates. She hated flowers and love songs.
But if that was the case, then why couldn’t she resist Sage’s sweet smile?