1.
PHR 2969 Ang Dalagang Bukid by Rose TanDaig na daig pa ni Lupita ang nanalo sa Deal Or No Deal at Pinoy Survivor nang regaluhan siya ng napakalawak na lupain ng isang mabait na senador. Malaki raw kasi ang utang-na-loob ng pulitiko sa kanyang yumaong ama.
Good-bye na sa pagiging saleslady, isa na siyang landowner.
Pero may pumapel na kontrabida—si Diego. Anak ito ng senador at tutol na tutol ito sa ginawa ng ama nito. At para mabawi ang lupain, sinimulan nitong akitin siya. Ang kapal ng mukha nito. Por que guwapo ito ay iniisip yata nitong bibigay siya rito. Wais siya kaya titiyakin niyang hindi ito magtatagumpay.
Kahit malinamnam pa ang mga halik nito.
2.
PHR 2970 Taming The Shrew by Kayla CalienteSakit ng ulo, happy go lucky, at pasaway. Ang mga iyon ang tingin kay Elaine ng kanyang Lolo Hernando.
Kaya naman hinayaan ng lolo niya na pumasok sa eksena si Lander, ang isa sa mga tauhan nito. Ang lalaki ang tagaplantsa ng anumang gusot ng kanilang kompanya. At mukhang ang gusot na idinudulot niya sa kanyang lolo ang nakatakdang ayusin nito.
Paano niya pakikibagayan ang isang tulad nito? He looked yummy!
Kaya nang mapadpad silang dalawa sa isang uninhabited island dahil sa isang aksidenteng pagbagsak ng kinalululanan nilang chopper, sa halip na matakot at malungkot, iba ang naramdaman niya. She felt strangely excited sa pagsosolo nilang iyon na para silang sina Eba at Adan.
At dahil din sa pangyayaring iyon, natutong tumibok ang puso niya sa lalaking mistulang pader na masasandalan niya. Ngunit ganoon din ba ang nararamdaman nito sa kanya? Ngayong naayos na nito ang gusot sa buhay ng lolo niya, nangangahulugan ba iyon ng pagkawala nito sa buhay niya?
3.
PHR 2971 Natutong Magmahal Ang Puso 1 by CamillaLumaking salat sa maraming bagay si Zam. Ngunit nang makilala niya si Linus Montifalcon, natutong mangarap ang kanyang puso. Sa loob ng sampung taon, pinagkasya niya ang sarili sa pagtanaw na lamang dito mula sa malayo. Hanggang sa may mangyari na naging dahilan para magkalapit sila.
Nararamdaman niyang may pagtatangi ito sa kanya kahit paano, ngunit nilalalaban nito iyon. Suntok sa buwan lang yata talaga ang damdamin niya para sa guwapo at mayamang binata.
4.
PHR 2972 Natutong Magmahal Ang Puso 2 by CamillaPagkatapos pagsalitaan siya ng matapobreng kapatid ni Linus, kusa nang umiwas si Zam sa binata kahit labag iyon sa kalooban niya. Bukod doon ay may mga pangyayari pang nagpaisip sa kanya na tama lamang na putulin niya ang anumang nabubuong mga damdamin sa pagitan nila.
At inabot nang dalawang taon bago sila nagkaroon ng komprontasyon. Kung mahal siya ni Linus, paano nito nagawang tikisin siya nang ganoon katagal? At maniniwala ba siya sa mga rebelasyon nito? Gustong umasa ng puso niya ngunit sadyang mahirap sumuntok sa buwan...
5.
PHR 2973 Falling Into You by Heart YngridDahil sa ama at sariling mga kuya na pawang mga classic examples ng mga lalaking player at babaero, idagdag pa ang mga manlolokong lalaking naging boyfriend ng best friend niya, nawalan na ng tiwala sa mga lalaki si Aya. Ipinangako niya sa sariling kailanman ay hindi siya papatol sa mga kagaya ng mga kuya niya. Kabisado niya ang “modus operandi” ng mga babaero at manloloko kaya tiwala siya sa sariling hindi siya mabibiktima ng mga ito.
Hanggang sa makilala niya ang kaibigan ng mga kuya niya na si Bim na kaliga ng mga ito sa pagiging babaero. Kahit nag-uumapaw ang karisma nito, sopla ang inaabot nito sa kanya. Lumalapit pa lang ito ay nakataas na ang depensa niya. Ngunit isang araw ay nalingat siya. Sa pamamagitan lang ng isang halik ay walang kahirap-hirap na nanakaw nito ang puso niya...
6.
PHR 1332 Ang Marikit Kong Mahal by Vanessa Unang kita pa lamang ni Kit kay Martin ay naaantipatikuhan na siya rito.
Matangkad, guwapo at simpatiko si Martin ngunit dahil sa mga pang-aasar nito ay hindi ito naging visible sa kanya.
Mukhang kulang sa araw, puna niya sa kulay ng balat nito.
Ngunit hindi naman niya maintindihan ang sarili kung bakit ganoon na lamang ang pag-asam niya na muling makulong sa mga bisig nito.
Paano nito malalaman ang lihim niyang damdamin para dito gayong hindi lingid sa kanyang kaalaman na nanliligaw ito sa tindera niyang si Naomi, idagdag pang umeentra din sa eksena ang tiyahin niyang kinaiinisan niya?
7.
Stallion Series 52: Jigger Samaniego 1 by Sonia FrancescaUnang nagkita sina Nova at Jigger sa isang coffee shop. At hindi iyon nagustuhan ni Nova—dahil pinagmukha siya nitong tanga nang magpanggap itong may-ari niyon. At hindi rin niya gusto ang paraan ng pagkakatingin nito sa kanya. Dahil may kakaiba siyang nararamdaman sa mga tingin nito. Para kasing inaakit siya nito, lalo na kapag sinasabayan pa nito iyon ng pagngiti. Hanggang sa lumapit ito sa kanya. At halikan siya nang walang kaabug-abog. Nang dalawang beses. Hinayaan lang niya ito. Iyon ang eksenang naabutan ng boyfriend niya.
She walked out on him to follow her boyfriend. Pero mukhang nakatakda na talagang magkasala-salabid ang mga landas nila ni Jigger na tila may kung anong puwersang nagmamanipula ng lahat.
8.
Stallion Series 53: Jigger Samaniego 2 by Sonia FrancescaNova fell in love with Jigger Samaniego. Inakala niyang pareho lang ang nararamdaman nila. Hanggang sa nalaman niyang lumalapit lang pala ito sa kanya dahil kahawig niya ang isang babaeng naging espesyal dito. That was her friend Jeuliette, who was in love with Trigger, Jigger’s twin. Ang pinakamatindi, ito mismo ang nagsabi sa kanya ng katotohanang iyon.
She hated Jigger for breaking her heart. Kaya mula noon ay isinumpa niyang oras na makita niya ang lalaki ay gaganti siya rito.
Pinagbigyan naman siya ng tadhana. Pagkaraan ng isang taon, muling nagkrus ang mga landas nila. Tumalikod nga lang siya dahil hindi niya inaasahang titibok pa rin nang ganoon katindi ang puso niya para sa lalaking bumigo sa kanya.
Lalong naging komplikado ang paghihiganti kuno niya nang tuluyan niyang makaharap si Jigger. Nalaman kasi niyang hindi pa rin pala niya tuluyang napapatay ang damdamin niya para dito.
Paano na ngayon ang hustisyang hinahanap ng kanyang puso?
9.
Territorio De Los Hombres Series 41: Porter Chua by VanessaCelia was a rebel. Sa maagang edad ay nakabuo siya ng desisyon na hindi niya hahayaan ang kanyang ama na hawakan ang buhay niya. They came from a Chinese family and arranged marriages were not uncommon. Ayaw niyang sumunod sa tradisyon ng pamilya nila na inaareglo ang bawat kasal.
Ngunit dumating ang puntong kailangan niyang mamili, at nagpasya siyang pakasalan si Porter Chua kapalit ng kalusugan ng kanyang ina.
She decided never to fall for him. Pero hindi iyon ang nangyari. Dahil sa maikling panahon ay nahulog ang loob niya rito. And she thought it was all right, it was perfect actually—finding the one the way she did.
But was Porter really the one? Paano kung dumating uli sa buhay niya ang lalaking pilit na inalis sa buhay niya ng kanyang ama?